Bading na kumidnap, humalay sa paslit, arestado
February 24, 2004 | 12:00am
Isang 20-anyos na bading na miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang ang dinakip ng pulisya makaraang dukutin nito ang isang 7-anyos na paslit na inutusan niyang magpalimos sa kalye at hindi pa nasiyahan ay kanya ring inabuso sa Makati City.
Ayon kay Inspector Solitaire Reyes, hepe ng Womens Children and Protection Desk ng Makati City police, nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ang suspect na si Alvin Tolentino. Ito ay nahaharap sa kasong kidnapping, child exploitation at rape.
Nabatid na nauna dito, nasagip ng mga tauhan ng pulisya ang biktima na itinago sa pangalang Cesar, ng Brgy. Tejeros, Makati City noong nakalipas na Pebrero 18.
Dakong alas-3:30 naman noong Sabado ng madakip ang suspect na si Tolentino sa kahabaan ng Ortigas Avenue, Mandaluyong City sa isinagawang follow-up operation.
Positibong itinuro ni Cesar ang suspect na siyang dumukot sa kanya noong nakalipas na Enero 28 habang ito ay naglalaro malapit sa kanilang bahay.
Inutusan umano ito ng suspect na mamalimos sa daan at pagkatapos ay kanyang pagsasamantalahan.
Binanggit pa ng pulisya na hindi lang si Cesar ang naging biktima ng suspect at ganito na umano ang modus operandi na ginagawa nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest