Extradition vs Bert at Carol Nieverra, ilalarga ng NBI
February 1, 2004 | 12:00am
Sisimulan na ng National Bureau of Investigation ang extradition process laban sa mag-asawang Bert at Carol Nieverra upang mapabalik sa Pilipinas matapos na sampahan ng kasong syndicated estafa at large scale swindling.
Ayon kay Atty. Jun Labin ng NBI-Anti Organized Crime Division, iaakyat nila sa Department of Justice ang extradition case laban sa mag-asawang Nieverra sa oras na maipalabas ang warrant of arrest laban sa mga ito.
Ang dalawa ay kasalukuyang nagtatago sa Estados Unidos matapos na takasan ang mga responsibilidad at pagkakautang sa naluging negosyong restaurant na Country Waffles Holding, Inc.
Nag-ugat ang reklamo laban sa mag-asawang Nieverra matapos na magreklamo si Monina Nepomuceno na natangayan ng P14.5 milyon investment sa naturang negosyo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended