Kidnapper-killer ng plastic magnate, timbog
January 23, 2004 | 12:00am
Pinaniniwalaang nalutas na ng Caloocan City police ang kasong pagdukot at pagpatay sa 29-anyos na Fil-Chinese plastic magnate na si Evan Tan matapos na maaresto ang sinasabing lider ng grupo na nasa likod ng nasabing insidente, kahapon ng tanghali sa Valenzuela City.
Ayon kay Supt. Dionicio Borromeo, hepe ng Caloocan City Police Station Investigation and Detective Management Branch nadakip si Noelito Papung, 35, na itinuturong lider ng isang kilabot na robbery extortion gang na kumikilos sa Metro Manila at mga karatig lugar nito.
Nasakote si Papung sa isinagawang follow-up operation sa Royal Mall na matatagpuan sa Malinta Exit sa Valenzuela City dakong alas-12:30 ng tanghali.
Si Papung ay nadakip bunga ng pakikipag-ugnayan ni Mary Ann Medina ang kasosyo ng biktima at huling nakasama ni Tan bago ito nawala noong Enero 9, 2004. Ipinagtapat umanong lahat ni Mary Ann ang naganap na pagdukot sa kanyang kasosyo, gayundin kinilala din nito ang ilan sa mga suspect.
Sa isinagawang interogasyon ng pulisya, napag-alaman na nagkita ang biktimang si Tan at si Mary Ann sa Padis Point sa Caloocan at doon nag-inuman kasama ang kapatid ni Mary Ann na si Marilou at isang bakla.
Natuklasan pa na ang nadakip na si Papung ay boyfriend ni Marilou na kasabwat sa pagpaplano para sa pagdukot sa negosyante.
Magugunitang matapos ang naganap na inuman at nagtungo ang grupo ng biktima sa Bulacan na doon na sila hinarang ng grupo ng mga kidnappers at saka kinuha si Tan.
Ilang araw ang nakalipas, nakita ang bangkay ni Tan sa Brgy. Bitongol, Norzagaray. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest