Jeep vs van: 16 sugatan

Labing-anim katao, kabilang ang isang doktora ang malubhang nasugatan matapos sumalpok sa isang six-wheeler delivery van at tumaob ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep, kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Isinugod sa Ospital ng Muntinlupa ang mga biktima na sina Dra. Maria Alenea de Guzman; Ruel Simblante; Ernesto Ecol; Redentor Modesto; Erlinda Sala; Reynaldo Udhay; Francisco Oca; Ruby Antonio; Jerry Torcuator; Masser Barrameda; Ma. Rachelle Fernandez; Genaro Abulencia; Alexander Dabocol; Jhon Sedenio; Ulybelle Bulson at Jobert Macac.

Sa imbestigasyon ni PO3 Leonardo Erpe ng Muntinlupa City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa panulukan ng Corporate Ave. at Civic Drive, Filinvest, Brgy. Alabang, Muntinlupa.

Nabatid na lulan ang mga biktima ng isang pampasaherong jeep na may plakang TVB-472 at ang tsuper ay nakilalang si Merlito Octoba.

Sa pagliko ng jeep ay sumalpok ito sa isang six-wheeler delivery van, may plakang PKJ-955, na minamaneho naman ni Sonny Inojales at naging dahilan upang tumaob ang nabanggit na sasakyan at masugatan ang mga pasahero nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments