^

Metro

Tsinoy huli sa 'gun ban'

-
Isang 57-anyos na Tsinoy ang naaresto kamakalawa sa Quezon City bilang ‘buena mano’ sa inilatag na election gun-ban.

Kinilala ng pulisya ang suspect na si Tyrone Chua ng #420 G. Araneta Ave., Brgy. Imelda, Quezon City.

Base sa ulat, si Chua ay naaresto ng mga nagpapatrulyang pulis dakong alas-11 ng tanghali sa Banawe St., corner Simoun St. sa nabanggit na lungsod.

Naaresto ang suspect matapos na impormahan ng ilang mga residente ng nabanggit na lugar na may isang armadong lalaki ang pagala-gala sa kanilang lugar.

Nakuha sa posesyon ni Chua ang isang .45 caliber pistol at mga bala nito.

Napag-alaman na may mga kaukulang dokumento ng baril ni Chua bagamat wala itong maipakitang clearance mula sa Commission on Elections dahilan upang arestuhin ito at ikulong. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARANETA AVE

BANAWE ST.

BRGY

CHUA

IMELDA

ISANG

KINILALA

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO

SIMOUN ST.

TYRONE CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with