Kasalukuyan pa ring ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Winnie Buenaventura, GRO ng Club Amuro na matatagpuan sa nabanggit na lungsod at residente ng Soldier Hills, Bacoor, Cavite sanhi ng tinamo nitong mga pasa at bukol sa ibat-ibang parte ng katawan.
Pinaghahanap naman sa kasalukuyan ng awtoridad ang suspect na si Juliet Tan, GRO naman sa Sachi Karaoke Bar na matatagpuan sa Pasay Road, San Lorenzo Village, Makati City.
Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-3:30 sa loob ng New Sachi Karaoke Bar.
Nabatid na unang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspect dahil sa pag-aagawan umano ng customer hanggang sa nauwi ito sa panggugulpi ng huli sa una. (Ulat ni Lordeth Bonilla)