Duguang bumulagta ang mga biktimang sina Louiel Roy, 17 ng #2329 Topacio Street at Dennis Sederos, 18 ng Tenorio Street, San Andres Bukid ng nabanggit na lungsod.
Kritikal naman sa Ospital ng Maynila ang isa pang biktima na si Joseph Bonoan, 20, ng 2401 B., San Andres St., ng nabanggit din lugar.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang naturang insidente dakong alas-3 nang magpang-abot ang dalawang grupo ng mga kabataan.
Nabatid na bago nangyari ang insidente ay nagkaroon nang batuhan ng mga basag na bote at mga bato mula sa magkabilang panig ng grupo hanggang sa sumiklab at nauwi sa barilan ng sumpak.
Agad na tinamaan sa leeg ng bala mula sa sumpak si Roy habang si Sederos naman ay sabog ang mata, leeg at balikat.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang pamunuan ng Western Police District (WPD) para sa agarang ikadarakip ng mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)