3 kidnappers/killers ng Coca-Cola exec, timbog
November 20, 2003 | 12:00am
Nadakip na ng mga tauhan ng Parañaque City police ang tatlong suspect na hinihinalang responsable sa pagdukot at pagpatay sa isang lady executive ng Coca-Cola Bottlers Inc. sa isinagawang follow-up operation kahapon sa Trece Martirez City sa Cavite.
Kinilala ni Parañaque City police chief, Supt. Ronald Estilles ang mga nadakip na suspect na sina Ernesto Palla; Ramon Dimol at ang isa na itinago sa pangalang alyas Roger, driver ng FX taxi na ginamit sa pagdukot sa suspect.
Si Roger ay maaaring gawing witness sa kaso.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, nauna nang sumuko sa kanila si Roger makaraang pagbantaan ang kanyang buhay ng mga suspect.
Binanggit nito na inarkila siya ng grupo para ihatid ang mga ito sa Quezon City noong Lunes ng umaga sa halagang P1,000.
Hindi niya alam na may kikidnapin ang mga ito.
Magugunitang dakong alas- 8 ng sapilitang dinala ng mga suspect ang biktimang si Betty Chua Sy, 32, isang Fil-Chinese na sinasabing director ng Commercial Financial Department ng Coca-Cola at naninirahan sa Nagkaisang Nayon, Quezon City.
Nabatid pa sa kuwento ni Roger na dahil sa ayaw bumaba ng sasakyan ng biktima ay napilitan itong paputukan ng grupo ni Dimol at hindi akalaing magtatamo ito ng dalawang tama ng bala ng baril sa hita.
Ito ang dahilan kung kaya naubusan ng dugo ang biktima na naging dahilan ng kamatayan.
Bagamat patay na ay tinangka pa ng mga suspect na humingi ng P10 milyong ransom sa pamilya ng biktima.
Itinuro din ni Roger ang hideout na pinagdalhan niya sa mga suspect kung kaya kahapon ay isinagawa ng pulisya ang operasyon sa Heritage Homes, Barangay San Gregorio, Trece Martirez City sa Cavite.
Narekober sa lugar ang natirang mga masking tape na ginamit ng mga suspect sa pagbalot sa bangkay ng biktima.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang apat pang kasamahan ng mga ito, kabilang ang dalawang babae. (Ulat nina Lordeth Bonilla/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest