^

Metro

Killer ng parak,timbog

-
Matapos ang mahigit isang taong pagtatago ay naaresto na kahapon ang isang 51-anyos na lalaki na pumatay sa isang pulis sa Marikina City.

Ang suspect ay nakilalang si Jack Zacaria, alyas Barambangan Tagub Karim, tubong Lanao del Norte at kasalukuyang nakatira sa Singkamas St., Tumana Concepcion Uno, Marikina City. Ito ay naaresto ng mga miyembro ng Special Weapon and Tactics ng Marikina City Police sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Reuben dela Cruz ng Marikina City RTC Branch 272.

Sa ulat, naaresto ang suspect dakong alas-9:45 ng umaga sa kahabaan ng Singkamas St. nang makatanggap ng tip ang pulisya na nakita itong pagala-gala sa nasabing lugar.

Agad na rumesponde ang mga pulisya at naaresto ang suspect sa loob ng bahay nito. Nakuha rito ang dalawang baril at mga bala nito.

Napag-alamang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng suspect ang pulis na si PO3 Rodolfo Samaniego ng Marikina City police habang nagsasagawa ito ng follow-up operation sa Tumana ng nasabing lugar. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BARAMBANGAN TAGUB KARIM

EDWIN BALASA

JACK ZACARIA

JUDGE REUBEN

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

RODOLFO SAMANIEGO

SINGKAMAS ST.

SPECIAL WEAPON AND TACTICS

TUMANA CONCEPCION UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with