^

Metro

Killer ng brgy.chairman,tiklo

-
Naaresto ng mga tauhan ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang isa sa apat na suspect na bumaril at pumatay sa barangay chairman kamakailan sa Quezon City.

Sa isang follow-up operation na isinagawa sa pangunguna ni SPO4 Manolo Refugia ng CPD-CIU, nakilala ang suspect na si Sergio Angriano, 19, ng #1245 John St. Cielito Homes, Camarin, CC.

Ito ay kasalukuyang nakapiit sa CPD-CIU matapos na masakote sa kanyang pinagtataguan sa UP Village, Quezon City.

Ang suspect ay positibong itinuro ng mga testigo na isa sa mga bumaril at pumatay kay Pansol Brgy. Chairman Rodrigo Bergonia, 47, matapos ang flag ceremony sa tapat ng Brgy. hall dakong alas 7:30 noong Oktubre 13, 2003.

Ayon sa mga kagawad ni Bergonia, wala silang alam na dahilan upang patayin ito ng mga suspect dahil tapat at mahusay naman itong kapitan ng barangay.

Kasalukuyang isinasailalim sa masusing interogasyon si Angriano upang malaman kung sino ang utak ng pagpatay sa biktima habang wala namang inirekomendang piyansa ang piskalya. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ANGRIANO

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CHAIRMAN RODRIGO BERGONIA

DORIS FRANCHE

JOHN ST. CIELITO HOMES

MANOLO REFUGIA

PANSOL BRGY

QUEZON CITY

SERGIO ANGRIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with