Presyo ng gasolina tataas muli
November 1, 2003 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng transport groups sa pangunguna ng Philippine Confederation of Drivers Organization-Allianced of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO) na tataas muli ang presyo ng gasolina sa unang linggo ng Nobyembre ng taong ito.
Bunga nito sinabi ni PCDO-ACTO President Efren de Luna na plano nilang magsampa ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na humihiling ng dagdag na P1 sa pasahe.
Ayon kay de Luna, dalawang taong binalewala ni dating LTFRB Chairman Dante Lantin ang kanilang petisyon para sa dagdag na pasahe.
Lubha umanong pahirap sa kanilang maliliit na drivers ang madalas na pagtataas ng presyo ng gasolina samantalang wala namang ginagawang dagdag na singil sa pasahe.
Sakaling mabigo ang LTFRB na aksiyunan ang kanilang petisyon mapipilitan silang magsagawa ng welga o tigil-biyahe. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended