100 bata nalason sa tubig
October 28, 2003 | 12:00am
Tinatayang isang daan na mga bata ang isinugod sa ibat-ibang pagamutan sa Maynila matapos na makainom ang mga ito ng kontaminadong tubig sa Tondo, Maynila.
Nabatid kay Clemente San Sebastian, administrative officer ng Sanitation Department ng lokal na pamahalaan ng Maynila, may 42 mga bata ang isinugod sa Mary Johnston Hospital; 25 sa Gat Andres Bonifacio Hospital at ang iba namay sa San Lazaro Hospital.
Isinugod umano ang mga biktima sa mga nabanggit na pagamutan mula noong Sabado hanggang Linggo ng gabi makaraang makaramdam ang mga ito ng matinding pananakit ng tiyan at walang humpay na pagdudumi kung saan ang karamihan sa mga biktima ay nagmula sa mga lugar ng Velasquez-Capulong Area, District 1 ng Tondo.
Kaagad namang sinuri ng Sanitation Division ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang inuming tubig ng mga residente ng mga nabanggit na lugar kung saan ay lumalabas na kontaminado ang tubig mula sa Maynilad Water Services Inc. (MWSI) dahil sa kakulangan ng chlorine na nagnu-neutralize ng germ bolatile.
Nilinaw naman ni San Sebastian na kaya pinasok ng mga maruruming tubig ang mga tubo ng MWSI ay dahil sa mga iligal na kuneksyon ng mga tubig ng mga residente ng naturang lugar.
Bunsod nito, agarang nagsagawa ng on the spot chlorination ang pamunuan ng MWSI at dinagdagan pa ng mga ito ang pressure ng tubig upang mailabas ang mga dumi buhat sa mga tubo ng tubig.
Nanawagan naman si San Sebastian sa mga residente na huwag mabahala sa nasabing insidente dahil sa isang lugar lamang umano ng Maynila ang may kontaminadong tubig at hindi ang buong lungsod. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am