Mabigat na parusa sa magrerehisro ng mga nakaw na sasakyan
October 26, 2003 | 12:00am
Pagmumultahin ng halagang katumbas ng ipinarehistrong nakaw na sasakyan at kulong ng hindi hihigit sa isang taon ang parusang naghihintay sa mga pribadong indibidwal, opisyal at empleyado ng Land Transportation Office (LTO) na magtatangkang magparehistro ng mga nakaw na behikulo.
Pumasa na sa House Committee on Transportation and Communications ang nasabing panukala na naglalayong mabawasan ang tumataas na bilang ng carnapping sa bansa.
Sinabi ni Northern Samar Rep. Harlin Cast Abayon, awtor ng panukala na nasa LTO ang solusyon upang masugpo ang carnapping sa bansa na hindi pa rin natitigil partikular sa Metro Manila.
Kung papatawan aniya ng mabigat na parusa ang sinumang indibidwal, opisyal o empleyado ng LTO na magtatangkang magrehistro ng nakaw na sasakyan ay titiyakin ng mga itong malinis ang iparehistrong behikulo.
Sa isinagawang hearing ng komite, sinabi ni Abayon na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natutukoy ng LTO ang mga empleyadong responsable sa pagpaparehistro ng mga nakaw na sasakyan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended