^

Metro

DOJ maghaharap ng kaso vs Judge sa Kuratong case

-
Maghaharap ng kasong administratibo sa Korte Suprema ang Department of Justice (DOJ) laban sa Hukom na may hawak ng kaso ng ‘Kuratong Baleleng’ case na kinasasangkutan ni Senator Panfilo Lacson.

Ito ang naging babala ni DOJ Chief State Prosecutor Jovencito Zuño laban kay Quezon City RTC Judge Maria Theresa Yadao kung igigiit nito ang paghawak sa naturang kaso.

Ayon pa kay Zuño, kamangmangan sa batas o gross ignorance of the law ang isasampa nito laban kay Yadao kung patuloy ang gagawin nitong pagmamatigas.

Binigyang diin pa nito na malinaw ang nakasaad sa batas na ang family courts ang may orihinal na eksklusibong hurisdiksyon sa kaso ng ‘Kuratong Baleleng’ dahil dalawa sa mga biktima ay ‘menor de edad’ kaya’t marapat lamang na ito ang humawak ng kaso.

Tinukoy nito ang probisyon sa batas na ang family courts ang may kapangyarihan na humawak sa isang kaso kung ang isa sa mga biktima o akusado sa krimen ay wala sa sapat na taong gulang.

Iginiit ni Zuño na hindi siya dapat personalin ni Yadao dahil ang kanyang ginagawa ay ang naaayon lamang sa batas.

Magugunita na nag-walkout sa isinagawang unang pagdinig sa kaso habang nakabinbin ang paglilitis sa kaso. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

JUDGE MARIA THERESA YADAO

KASO

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

QUEZON CITY

SENATOR PANFILO LACSON

YADAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with