Sa pangkalahatang sitwasyon, naging matagumpay at maayos ang isinagawang pagbisita ng American president.
Noong umaga lamang naranasan ang matinding trapik sa Eliptical Road sa Quezon City makaraang kordonan na ng mga kagawad ng pulisya ang lugar para hindi na papormahin pa ang mga raliyista .
Bagamat nagkaroon ng ilan-ilang insidente ng iringan sa magkabilang panig, nabatid na mabilis naman itong naisaayos.
Maaga ring idineklara ng pamunuan ng PNP na generally peaceful ang kaganapan sa pagbisita ni Bush.
Sinabi naman ni Teddy Casino, ng BAYAN na aabot sa 15, 000 katao ang nakiisa sa isinagawa nilang rali na nagtipun-tipon sa Batasan Complex kung saan ay hindi umubra o naipairal ng pulisya ang sinasabing no permit, no rally policy laban sa mga ito.
Hindi rin nagpapigil ang mga ito sa ginawa nilang panununog sa mga bandila ng Amerika.
Hindi rin naman nagpahuli ang grupong pabor sa pagbisita ni Pangulong Bush, kung saan marami rin ang nakiisa sa pagwagayway naman ng bandila ng US sa mga lugar na dinaanan ng convoy ni Bush. (Ulat ng PSN Reportorial Team)