Nagsampa ng reklamo sa WPD-General Assignment Section si SPO4 Benedicto Rodriguez ng Intelligence Section laban kay PO3 Hernani Aga.
Sinabi nito na nagte-text umano siya nang mabangga ni Aga na nakikipagharutan sa isang kapwa pulis.
Sa halip na humingi ng dispensa dahil sa mas mataas ang ranggo ni Rodriguez, nagkasagutan pa ang dalawang pulis at nagsalita si Aga na baka magkabunutan sila ng baril.
Naalarma na umano siya nang hawakan na ni Aga ang dulo ng baril nito at akmang bubunutin. Naiwasan naman ang pagdanak ng dugo nang maawat si Aga ng mga kasamahan nito. Ang naturang insidente ay sa kabila ng nagaganap na command conference na pinamumunuan ni Velasco na bisita ng WPD. (Ulat ni Danilo Garcia)