Holdap, kidnap umaariba sa Metro Manila
September 30, 2003 | 12:00am
Tila nananadya ang sunud-sunod na pagsalakay ng mga holdaper at kidnapper na naganap sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila na ilang oras lamang ang pagitan.
Sa Quezon City, namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang isang security guard, habang isa pang kasamahan nito ang nasa kritikal na kondisyon makaraang ratratin ng apat na armadong kalalakihan habang pababa ang mga ito sa north bound ng Metro Rail Transit (MRT) GMA Kamuning Station, kahapon ng hapon .
Nakilala ang nasawing guwardiya na si Reynaldo Roderos, na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa leeg, habang nasa kritikal na kalagayan sa East Avenue Medical Center ang kasamahan nitong guwardiya na si Apolo dela Cruz, na nagtamo rin ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ang dalawa ay kapwa sekyu sa Metro Guard Security Agency.
Sa inisyal na imbestigasyon ni Supt. Cesar Hawthorne Binag, hepe ng CPD Station 10, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng hapon sa may MRT sa GMA kamuning Station sa Edsa ng nabanggit na lungsod.
Batay sa pahayag ng mga nakasaksi, pababa na sa hagdanan ng MRT station ang dalawang biktima nang biglang ratratin ng apat na suspect na nakaabang sa baba ng MRT sakay sa isang kulay asul na motorsiklo na walang plaka.
Nang bumulagta ang dalawa ay agad na kinulimbat ng mga suspect ang dala ng mga itong duffle bag saka mabilis na tumakas.
Napag-alaman na nangolekta ang mga biktima sa MRT station upang dalhin sa Philippine National Bank at habang pabalik na nga sila sa nakaparada nilang armored van ay binulaga sila ng mga nakaabang na suspect.
Labing-anim na basyo ng bala ng baril ang narekober sa pinagyarihan ng krimen.
Sa Caloocan, sinasabing umiskor ang mga miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate makaraang dukutin ng mga ito ang isang 29-anyos na Fil-Chinese trader, kamakalawa ng umaga.
Base sa ulat ng pulisya, kinidnap ng apat na armadong kalalakihan ang biktimang si Jefferson Tan Lim, binata, may-ari ng Gold-Ever hardware and Auto Supply na matatagpuan sa EDSA at residente ng 18 Guadalupe St., Morning Breeze Subdivision, ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na dakong alas-7:50 ng umaga nang harangin ng mga suspect ang biktima sa kahabaan ng Guadalupe St.
Si Lim ay lulan ng kanyang Honda scooter patungong hardware nang harangin, tutukan at sapilitang dalhin ng mga suspect na lulan naman ng isang Toyota Revo.
Magugunitang noon lamang nakaraang Setyembre 16, 2003 ay isang 45-anyos na Fil-Chinese trader ang kinidnap sa Malabon. Ito ay nakilalang si William Uy, may-ari ng Kaunlaran Hardware, ito ay napalaya lamang matapos umanong magbayad ng mahigit sa isang milyong ransom.
Sa Pasig City, tinatayang aabot sa tatlong milyong piso halaga ng mga alahas ang tinangay ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa isang pawnshop, kamakalawa sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay Reynaldo Abante, 48, branch manager ng Tambunting Pawnshop na matatagpuan sa Rodriguez Avenue Barangay Dela Paz ng lungsod na ito posibleng sa kisame dumaan ang mga suspect dahil sa tuklap ang ilang bahagi nito at nang makababa at saka puwersahang binuksan ang vault ng naturang pawnshop sa pamamagitan ng paggamit ng acethelyn. (Ulat nina Angie Dela Cruz/Rose Tamayo at Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest