Ito naman ang ipinahayag ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Deputy Director General Reynaldo Velasco kasabay ng katiyakan na ang lahat ng pulis na makakapagresolba ng panghoholdap ay makakatanggap ng cash rewards, promotions at insurance benefits.
Ayon kay Velasco, hindi biro ang trabaho ng isang undercover dahil mas malakas ang loob ng mga holdaper o kriminal na lumaban sa isang taong nakasibilyan kumpara sa mga nakasuot ng uniporme.
Bagamat aminado si Velasco na maliit lamang ang insentibo, maaari din itong makatulong upang mas lalo pang mapataas ang moral ng isang pulis sa pagpatupad ng kanyang tungkulin.
Hindi umano dapat na sisihin sa lahat ng oras ang pulis dahil may kailangan ding gampanang tungkulin ang mga ordinaryong mamamayan. (Ulat ni Doris M. Franche)