SAF member na-machinegun ng kasamahan sa loob ng Crame
September 20, 2003 | 12:00am
Isang tama ng bala sa likuran na nagtagos sa mukha ang tuluyang tumapos sa buhay ng isang bagitong tauhan ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) matapos itong aksidenteng mabaril ng ikinakasang machinegun ng kapwa nito pulis sa loob ng gymnasium ng Camp Crame, kamakalawa.
Nakilala ang nasawi na si PO1 Ferdinand Manolo, kabilang sa mga tauhan ng SAF na itinalaga para mangalaga sa seguridad sa headquarters ng PNP sa nasabing kampo.
Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-5 ng hapon nitong Huwebes habang ang biktima kasama ang ilan nitong mga kaibigan sa SAF ay nag-eehersisyo sa PNP gym.
Isinailalim naman sa kustodya ng mga awtoridad ang suspect na si PO1 Ronnie Bergoles habang iniimbestigahan ang nangyaring aksidente.
Base sa pahayag ng ilang testigo, masaya umanong nag-eehersisyo ang biktima kasama ang iba pang pulis habang nagkakasa naman ng M60 machinegun ang kasamahan nitong si Bergoles.
Di umano akalain ng nasabing pulis na may laman pang bala ang machinegun na aksidente nitong nakalabit at tumama sa biktima.
Patuloy na isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng PNP-CIDG ang pangyayari. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended