Nakilala ang nasawing dayuhan na si Mitsugi Nakashima, 56, tubong Hyago, Japan at pansamantalang nangungupahan sa Room 538 Riviera Mansion, Mabini St., Ermita, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na natagpuan ang bangkay ng Hapones dakong alas-2:30 ng tanghali sa loob ng inuupahan nitong kuwarto.
Ayon kina Maricon Dicon at Alona Tumbos, empleyado sa naturang hotel na kumatok sila sa room ng nasawi para maglinis ngunit hindi sila nito pinagbubuksan.
Dahil dito, napilitan silang ireport sa mga opisyal sa hotel ang insidente kung kaya mabilis na kinuha ang duplicate key para alamin kung may masamang nangyari dito.
Doon nila natuklasan ang ginawang pagbibigti ni Nakashima.
Natagpuan sa ibabaw ng kama nito ang isang suicide note na doon nakasaad ang paghingi niya ng tawad sa embahada ng Japan, ngunit hindi nito binanggit ang tunay na dahilan ng kanyang pagpapakamatay.
Nakasaad dito ang mga katagang : "to the Japan embassy, Im sorry to cause you trouble, I have no relatives in Japan, please take care of my body, I want to die in the Philippines."
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso para matiyak na walang naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Ulat ni Danilo Garcia)<