Namatay noon din ang suspect na kinilala lamang sa alyas na Taktak, isa sa umanoy kilabot na pusher sa naturang lugar, ito ay nagtamo ng anim na tama ng bala sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan.
Naaresto naman ang mga kasamahan nito na sina Ordomcio Mendoza, 41; Domingo Vazquez, 57; Renato Tonggol, 46; Larry Gestlada, 29; Carmen Cruz, 34.
Ayon kay Inspector Conrado Cruz, hepe ng SID ng Marikina Police naganap ang insidente dakong alas-9:40 ng gabi makaraang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa bahay ni Mendoza sa #19 Road 3, Manggahan Extension sa nabanggit na lungsod.
Agad na inaresto ng mga pulis ang mga suspect, subalit nagtangka pang pumuga si Taktak kaya agad siyang pinaputukan ng mga pulis na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Ang iba pang suspect ay dinala sa Camp Crame para sumailalim pa sa awtopsiya. (Ulat ni Edwin Balasa)