Hijacking syndicate nalansag
September 8, 2003 | 12:00am
Pinaniniwalaang nalansag na ang isang hijacking syndicate sa Kalakhang Maynila matapos na masakote ng mga operatiba ng Northen Police District-District Police Intelligence Unit ang lider nito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Chief Inspector Sotero Ramos, hepe ng NPD-DPIU ang naaresto na si Florencio Ancino alyas Baduy, 29 at residente ng 464 Urbiztondo, Binondo, Maynila.
Si Ancino ay matagal nang sinintensiyahan in absentia ng 10 hanggang 17 taon at apat na buwang pagkabilanggo ni Judge Emmanuel Laurea ng Malabon City Regional Trial Court matapos nitong tangayin ang mahigit P1 milyong halaga ng gatas noong Mayo 10, 2000 ng negosyanteng si Reynaldo Gabriel.
Nabatid na si Ancino ay nadakip sa Plaza del Conde, Binondo, Maynila bunga na rin ng isinagawang surveillance ng pulisya.
Napag-alaman na ang grupo ni Ancino ang responsable sa malakihang insidente ng hijacking sa ilang lugar sa MM. (Ulat ni Jo Cagande)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended