PSN reporter nanalong presidente sa CAMANAVA Press Corps

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 19 na taon mula noong 1984 ay nagkaroon ng babaing presidente ang isa sa pinakamalaking press corps sa Metro Manila ang CAMANAVA Press Corps ng Northern Metro Manila makaraang manalo sa election si Rose Tamayo ng Pilipino Star Ngayon laban sa mga kandidato mula sa tatlong pahayagan at isang broadcaster.

Tinalo ni Tamayo sina Toneth Marquez, Remate; Ed Mahilum, Manila Bulletin; Rolly Garcia, DZRB at Grande del Prado ng Banat. Nanguna rin bilang director ang mga photo journalist ng Philippine Star na sina Ernie Peñaredondo at Joven Cagande.

Sa kasalukuyan ay dominated ng mga reporter ng Star Group of Publications ang tatlong press corps sa CAMANAVA area kung saan sa Northern Police District Press Corps ay ang pangulo nito ay si Pete Laude ng Philippine Star at sa Northern Metro Press Corps pangulo naman ay si Jerry Botial ng Philippine Star.

Show comments