^

Metro

Rape-slay victim natagpuan

-
Isang hindi pa nakikilalang babae na hinihinalang biktima ng panghahalay ang natagpuang lumulutang sa ilog, kamakalawa ng umaga sa lungsod ng Marikina.

Ang biktima na natagpuang walang anumang saplot sa katawan ay tinatayang nasa gulang 30-35, may taas na 5’3 talampakan, balingkinitan ang katawan at may bakas na pinahirapan muna bago pinatay dahil sa nakitang mga pasa sa katawan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6:10 ng umaga na lumulutang sa Marikina River Park sa Barangay Sto. Niño ng nasabing lungsod.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, hindi taga-roon ang biktima at posibleng itinapon na lang sa nasabing ilog ang bangkay matapos na paglaruan at pagsamantalahan.

Dinala sa PNP Crime Laboratory ang bangkay ng biktima para isailalim sa awtopsiya. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BANGKAY

BARANGAY STO

BIKTIMA

CRIME LABORATORY

DINALA

EDWIN BALASA

ISANG

KATAWAN

MARIKINA RIVER PARK

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with