Ang akusadong pinawalang-sala kahapon ng Valenzuela Regional Trial Court (VRTC) ay nakilalang si Gerardo Quizon, ng Francisco Compound, Gen. T. de Leon, Valenzuela City.
Batay sa 13-pahinang desisyon ni VRTC Branch 171 Judge Maria Nena Santos, si Quizon ay pinawalang-sala sa nasabing kaso makaraang mapatunayan ng husgado na hindi inabuso ng una ang biktimang itinago sa pangalang Rosa, 15, dahil itoy kanyang kasintahan.
Ayon sa korte, napagtibay ng depensa ng akusado na lahat ng naganap sa pagitan nila ng biktima ay kapwa nila kagustuhan sa pamamagitan ng tatlong love letters mula sa biktima na nagpapahayag ng pagmamahal at pangungulila.
Sa rekord ng korte, lumalabas na inaresto ang akusado noong Marso 1999 makaraang akusahan ito ng rape sa 12-anyos na kapitbahay sa tatlong magkakahiwalay na okasyon sa nasabing lungsod.
Sa pagdinig ng kaso, mariing itinanggi ni Quizon ang alegasyon laban sa kanya at sinabi sa korte na may relasyon sila ng biktima at bilang patunay nga ay ipinakita ang love letters na sulat-kamay ng biktima.
Laman ng isang sulat ang umanoy mas nanaisin ng biktima na magpakamatay sa sandaling ma-convict ito sa nasabing kaso.
Kaugnay nito, inatasan ni Judge Santos na pakawalan si Quizon sa lalong madaling panahon. (Ulat ni Rose Tamayo)