Stude kritikal dahil sa pagiging pogi

Hindi akalain ng isang lalaki na ang kanyang pagiging pogi ang magiging dahilan ng kanyang pagiging kritikal makaraang kursunadahin ng tatlong lalaki na may inggit sa kanya kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Nilalapatan pa rin ng lunas sa pinakamalapit na ospital ang biktima na nakilalang si Leonard Onove, ng 17-H Pio del Pilar St., Brgy. West Rembo, Makati bunsod na rin ng mga saksak sa katawan.

Agad namang nagsitakas ang mga suspek na nakilalang sina Michael Alita, 19; Roger Amin, 15 at Alexander Guevarra, 18.

Sa report ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas 12:30 ng madaling araw sa Zero Block, ng nasabing barangay.

Lumilitaw na kinursunada ng mga suspek ang biktima dahil sa pagiging pogi at porma nito.

Pinagtulungan ng mga suspek na gulpihin ang biktima kasunod ang pananaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments