Ayon sa source ng NBI, posibleng nagkaroon ng "connivance" sa pagitan ng ilang opisyal ng DND at mga junior officers na pinangunahan ni Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes IV.
Nabatid na halos lahat ng baril at bala na nakumpiska mula sa grupong Magdalo ay may tatak na DND.
Posible umano na inilabas ang mga baril at bala sa pamamagitan ng logistics at hindi mga personal na gamit ng mga sundalo.
Hindi rin isinasantabi ng NBI ang posibilidad na may kilala ang pinuno ng Magdalo group sa DND partikular sa nagsu-supply ng armas at mga bala.
Kailangan umanong malinawan kung paano nagkaroon ng ibat ibang kalibre ng baril at maraming bala ang grupo nang magsagawa ng kudeta sa Oakwood Hotel noong Hulyon 27 sa Makati City. (Ulat ni Danilo Garcia)