^

Metro

Retiradong kawal tinodas ng kainuman

-
Isang retiradong sundalo ng Philippine Army ang pinatay sa saksak ng kanyang kapitbahay na nabitin sa kanilang inuman kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Armando Soriano, 54, ng #53 29th Ave Extension, Brgy. East Rembo matapos na magtamo ng dalawang saksak sa dibdib habang agad namang nakatakas ang suspect na nakilalang si Dondon Bautista, 52, ng nabanggit ding lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa harap ng isang tindahan sa 29th Ave. Extension nang magpa-alam na ang biktima sa suspect na uuwi na dahil nakakaramdam na siya ng pagkahilo dahilan sa pag-inom ng alak.

Ang pahayag ng biktima ang ginawang dahilan ng suspect sa pagsasabing bitin pa siya sa alak kung kaya’t hindi ito dapat na umuwi.

Matigas naman ang tanggi ng biktima hanggang sa kunin ng suspect ang kanyang dalang patalim at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang una.

Ayon naman sa mga saksi madalas na ginagawa ng suspect ang pamimilit sa kanyang mga nakakainuman dahil masyado na itong nagiging sugapa sa alak.

Nagkaroon na rin ng isang insidente na pinalo ng suspect ang kanyang dating kainuman nang ito ay kanilang iwan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARMANDO SORIANO

AVE EXTENSION

AYON

BRGY

DONDON BAUTISTA

EAST REMBO

ISANG

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with