Top leaders ng RPA-ABB dinakip sa Go Teng Kok ambush
July 22, 2003 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang matataas na lider ng breakaway Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa-Pilipinas/Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade kaugnay sa kasong pananambang kay PATAFA President Go Teng Kok.
Kinilala ang mga dinakip na sina Arnold Salazar at Lejun dela Cruz habang kasama ang ama nito na si RPA-ABB leader na si Nilo dela Cruz.
Ang mga suspect ay naaresto ng grupo ni DIID Chief Supt. Edgar Danao sa Philippine Airlines Centennial 2 terminal sa Parañaque City matapos na manggaling sa Aklan dakong alas-5 ng hapon.
Ayon kay Danao ang mga suspect ay positibong itinuro ng tatlong testigo na hawak ng WPD Station 9. Itinuturo umanong gunman si Lejun dela Cruz , samantalang si Salazar naman ang siyang nagmamaneho ng motorsiklo na ginamit sa krimen.
Magugunita na si Go Teng Kok ay tinambangan noong Hulyo 1 dakong alas-8 ng umaga sa harapan ng PATAFA office sa Adriatico St. sa Manila.
Nilinaw ni Danao na hot pursuit ang kanilang isinagawa laban sa mga suspect simula pa ng maganap ang pananambang kay Go Teng Kok kayat hindi na kailangan pa ang warrant of arrest upang maaresto ang mga ito.
Sinabi naman ni Nilo dela Cruz na ang naganap na pag-aresto sa kanila ay paglabag sa kasunduang may kinalaman sa peace talks. Pinabulaanan din ng mga ito ang mga kasong isinasangkot sa kanila. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest