Kaalinsabay nito, inatasan din ni MMDA chairman Bayani Fernando si Traffic Operations Center (TOC) director Angelito Vergel de Dios na mapatawan ng parusa ang sinumang traffic enforcer na lalabag sa direktiba.
Ang aksyon ay ginawa ni Fernando matapos na makatanggap ng maraming reklamo ang kanyang tanggapan kaugnay nito.
Nabatid na isang modus operandi umano ng ilang traffic enforcer na magsuot ng jacket habang tumutupad ng tungkulin at sinasadya na takpan ang kanilang mga pangalan habang nag-iisyu ng tiket sa mga hinuling driver.
Kung minsan naman itinataas din ng mga enforcers ang takip ng bulsa sa kanilang uniporme at bahagya nang tatakip ito sa kanilang nameplate.
Kinastigo ni Fernando ang ganitong gawain dahil sa karapatan ng mga hinuhuling motorista na malaman ang pangalan ng mga enforcer na naniniket sa kanila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)