Hindi na nakapalag nang arestuhin ang suspect na si Alfredo Isla, 48, residente ng #725 Interior 53 Laong-Laan, Tondo.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa kahabaan ng Soler St., Binondo. Nabatid na hinuli ni Isla dahil sa isang traffic violation ang Filipino-Chinese na si Romeo Tan, ng #1130 Benavidez St., Binondo.
Aminado naman umano siya na may violation siya at sinabing tikitan na lamang agad siya dahil sa nagmamadali. Hindi naman pumayag ang suspect at sinabing ibibigay ang kanyang lisensya kung pag-uusapan na lamang nila.
Dito na tinawagan ni Tan sa pamamagitan ng cellphone ang kaibigang si SPO2 Fernando Cantillas, nakatalaga sa WPD-Drug Enforcement Unit at sinumbong ang pangongotong sa kanya. Nagkasundo naman ang dalawa na huhulihin sa akto si Isla.
Nang dumating na si Cantillas, dala na nito ang isang video camera at kinuhanan sa akto si Isla na inaabot ang P200 buhat kay Tan bago ito arestuhin. (Ulat ni Danilo Garcia)