2 Intsik timbog sa droga

Dalawang Intsik ang nadakip ng mga tauhan ng Special Project Unit ng CPD matapos na isagawa ang buy-bust operation kamakalawa sa Plaza Lorenzo Ruiz, Binondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina John Ong, 25, ng Taliba St., Tondo, Maynila at Wang Wei Hung, 19, isang turista.

Ayon kay CPD director Chief Supt. Napoleon Castro, ang mga suspect ay nadakip sa aktong tinatanggap ang marked money sa isang tauhan ng pulisya na nagpanggap na buyer ng 50 gramo ng shabu.

Sinabi ni Castro na matagal nang sinusubaybayan ng kanyang mga tauhan ang kilos ng mga suspect bunga na rin ng ulat na kabilang ang mga ito sa mga nagsasagawa ng drug trafficking sa bansa. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments