Ayon sa pahayag ni Eddie Serrano, nasa ikatlong palapag ng residential building ang kanyang mga pamangkin na nakilalang sina Jamaica Serrano, 3, at Jerome Serrano, 4-buwan, ng #67 Yale St. Cubao, nang maganap ang sunog.
Dakong alas-3:20 ng maganap ang sunog na tumupok sa may 15 bahay sa naturang lugar.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang maaaring pinagsimulan ng sunog.
Dakong alas-5:08 nang ideklarang fire out ang sunog. Hindi pa mabatid kung magkanong halaga ang natupok ng sunog.
Sinasabing sa bahay ng mga Serrano nagsimula ang naturang sunog. (Ulat ni Angie dela Cruz)