Beautician nagbigti

Tuluyan nang winakasan ng isang beautician ang kanyang buhay matapos itong magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City.

Gamit ang electric cord, patay na nang matagpuan si Ronald dela Cruz, 33, ng kanyang ina na si Editha. Dakong ala-1:20 ng hapon ng matagpuan ang biktima na nakabitin sa kanilang bahay sa Pilaring St., Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City. Ayon kay Aling Editha, ito umano ang ikaapat na pagkakataon nagtangkang magpakamatay ang kanyang anak at natuluyan. Wala namang alam na dahilan ang ina nito kung ano ang maaaring dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang anak. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments