Ayon kay SPO4 Reynato Resureccion, na dakong ala-1 ng tanghali nang makuha ang mga natirang bahagi sa katawan ni Randy Diaz ng tatlong rescuers mula sa Navy.
Ayon naman kay Ranny Cabaluyas, corporate affairs officer ng Manila Water, nakuha ang mga ito sa main pipeline sa Irod Monte de Piedad nang magsagawa doon ng retrieval operation. Ito ay may layong 1.3 kilometers mula sa Bignay St. hanggang sa Monte de Piedad St.
Samantala, dakong alas-4:30 ng hapon nang gumawa ng butas patungo sa Sct. Catolos St. at E. Rodriguez Blvd. ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at nakuha ang katawan ni Diaz na unti-unti nang naaagnas.
Ipinaliwanag naman ni Joel Lacsamana ng Manila Water na masyadong malakas ang pressure ng tubig na tumangay kay Diaz kung kayat hindi agad ito nakita.
Subalit hindi na ito umabot pa sa San Juan reservoir tulad ng inaasahan ng marami. (Ulat ni Doris Franche)