^

Metro

"Go to court" - Sec. Lina

-
"Go to court". Ito ang matinding paghamon ni DILG Secretary Joey Lina sa mga players ng Philippine Basketball Association (PBA) na hindi kumbinsido sa resulta ng confirmatory drug testing na isinagawa ng PNP Crime Laboratory.

Ayon sa DILG chief maaari naman umanong magtungo sa korte ang mga PBA players at doon idulog ang kanilang reklamo kung sila man ay naaagrabiyado sa isinagawang drug test.

Ang hamon ay ginawa ni Lina kasunod ng mga reklamo ng mga manlalaro ng PBA na nag-akusa na may problema umano sa proseso sa isinagawang confirmatory drug testing sa Camp Crame.

Sinabi pa nito na hindi nila pipigilan ang mga PBA players na dumulog sa korte bunsod na rin ng hinaing ng ilan sa mga ito partikular na sa mga naging positibo sa paggamit ng ilegal na droga na kuwestiyonable umano ang naturang drug testing.

Nabatid na nagrereklamo ang mga tinamaang star players ng PBA dahilan positibo umano ang ilan sa kanila sa isinagawang drug test, subalit ang ilan tulad ni Jun Limpot ng Ginebra ay negatibo naman sa tatlong ulit na pagpapa-drug test sa mga kilalang pribadong pagamutan.

Bukod kay Limpot kabilang sa sinasabing positibo pa sa paggamit ng droga ay sina Davon Harp ng Red Bull; Dorian Peña ng San Miguel, Noli Locsin ng Talk N Text; Ryan Bernardo ng Federal Express, Alex Crisano ng Ginebra, ang rockie na si Angelo "Long" David at dalawang iba pa.

Nilinaw ni Lina na walang nilabag na Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 ang mga PBA players na sumailalim sa drug testing dahilan sa boluntaryo ang mga ito na dumaan sa pagsusuri.

Samantala, hiniling naman kahapon ni Senator Robert Jaworski na imbestigahan ng senado kung mayroong nalabag na karapatang pantao ang Philippine Basketball Association (PBA) matapos nilang ilantad ang mga pangalan ng mga manlalarong natuklasan nilang positibo sa isinagawang drug test.

Sinabi pa ni Jaworski na ang mga manlalaro umano ang naging biktima ng social stigma kaya hindi marapat na sila ang maging sentro ng panlalait kundi dapat ay tulungan na maakahon sa nasabing problema ng mismong PBA kaysa sa hiyain at tagurian kaagad na addict gayung hindi naman ito dumaan sa due process.

Dahil dito, naghain naman si Jaworski ng resolusyon sa senado na humihiling sa senate committee on games, amusements and sports na pinamumunuan ni Sen. Robert Barbers upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nagiging drug problem sa PBA matapos matuklasan na 6 na players, 1 assistant coach at dalawang utility personnel ang positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. (Ulat nina Rudy Andal at Joy Cantos)

ALEX CRISANO

CAMP CRAME

CRIME LABORATORY

DAVON HARP

DORIAN PE

DRUG

DRUGS ACT

PBA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with