^

Metro

Mag-utol kritikal sa kainuman

-
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang magkapatid matapos na pagsasaksakin ng kanilang kainuman na pumintas at nangantiyaw sa kanilang pinabiling pulutan kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Inoobserbahan ngayon sa Far Eastern University Hospital sa Quezon City ang mga biktima na nakilalang sina Isidro Jacobo, 46, construction worker at kapatid nitong si Dennis, 31, kapwa residente ng Sta. Cruz Compound, Bagumbong ng naturang lungsod.

Ang mga ito ay nagtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na si Ariel Azur, 23, security guard ng Sto. Niño, Brgy. 173, Congressional Village, Bagumbong na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:50 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa isang bakanteng lote kung saan nag-iinuman ang mga biktima at suspect.

Dahil sa wala nang pulutan, inutusan ng nakatatandang Jacobo ang kanyang kapatid at nakabili lamang ng dinuguan.

Agad na kinantiyawan ng suspect ang mga biktima na ikinagalit ng mga ito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Mabilis namang kumuha ng patalim ang suspect at agad na inundayan ng saksak ang magkapatid na biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

ARIEL AZUR

BAGUMBONG

BRGY

CALOOCAN CITY

CONGRESSIONAL VILLAGE

CRUZ COMPOUND

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

ISIDRO JACOBO

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with