13 vintage bomb natagpuan

Labintatlong vintage bomb mula pa noong World War II ang natagpuan ng mga bata habang naglalaro kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Pasig City Police, dakong alas-4 ng hapon nang makatanggap ng tawag mula sa barangay kagawad ang mga awtoridad na pinagbibigay-alam sa mga ito ang naturang insidente.

Nabatid sa mga bata na nakuha nila ang vintage bomb sa isang bakanteng lote na malapit sa Bakahan at Manukan restaurant sa kahabaan ng Marcos Hi-way at Brgy. dela Paz.

Bukod sa vintage bomb, narekober din ng SWAT ang may pitong 105mm, dalawang 155mm na bala ng kanyon at 6 na mortar shell. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments