Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang duguang bangkay ng biktimang si Jose Rivadulla, 35 ng 3JKAN Security Agency at stay-in sa Pag-asa Subdivision, Marulas Valenzuela.
Ayon sa mga saksi, madalas nilang nakikita ang biktima na laging malulungkutin bago ito magpakamatay.
Nakuha sa tabi ng bangkay ang kanyang .38 caliber revolver, anim na bala at isang basyo ng bala.
Gayunman, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Rivadulla. (Ulat ni Rose Tamayo)