Dalagita nabaril ng madrasta, patay
May 17, 2003 | 12:00am
Isang 14-anyos na dalagita ang nasawi makaraang mabaril ng kanyang madrasta, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Rosalie Villafuente sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa ulo.
Agad namang nadakip ang suspect na madrasta na nakilalang si Jennilyn Malintal.
Base sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa bahay ng pamilya Villafuente sa Creek Side 1 ng San Antonio Valley, Parañaque City.
Nabatid na kinompronta ni Valentino, tatay ng nasawi ang kinakasamang si Jennilyn makaraang ipasok si Rosalie sa isang bilyaran bilang isang spotter.
Nangatwiran naman si Jennilyn na kaya niya nagawa ang ganito ay para may pagkakitaan ang biktima habang bakasyon. Ang paliwanagan ay nauwi sa mainitang komprontasyon hanggang sa biglang kinuha ni Valentino ang isang kalibre .38 baril na umanoy nahiram nito sa isang kaibigan.
Naging maagap naman si Jennilyn at naagaw ang baril at saka ipinutok sa kinakasama subalit agad na pumagitna si Rosalie at siya ang tinamaan nito.
Mabiis na isinugod sa pagamutan ang dalagta subalit hindi na ito umabot pang buhay.
Agad namang dinakip si Jennilyn at inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended