Ito ay makaraang itakda ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Mayo 27 ng taong ito ang pagdinig ng publiko hinggil sa taas sa pasahe.
Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB Chairman Dante Lantin na uupuan nilang muli sa nabanggit na petsa ang fare increase petition ng transport groups.
"Hinihingan namin sila ng dagdag na ebidensiya na nagpapatunay na kailangang itaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep. Hindi naman agad madedesisyunan ng LTFRB ang bagay na yan dahil nakasalalay diyan ang kapakanan ng maliliit na mamamayan," pahayag ni Lantin. (Ulat ni Angie dela Cruz)