^

Metro

Ekstensyon pa ng bakasyon tinanggihan ng DepEd

-
Tinanggihan kahapon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang rekomendasyon ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at ng iba pang grupo na palawigin pa ng isang buwan ang bakasyon ng mga estudyante dahil na rin sa kinatatakutang SARS na sinasabing nakapasok na sa bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Edilberto de Jesus, na walang basehan para suspendihin pa ng isang buwan ang klase sa Mandaluyong City at iba pang panig ng bansa dahil sa masusi naman silang nakikipagkoordina sa Department of Health at sa kasalukuyan ay wala pa namang inirerekomenda ang mga ito tungkol sa itinakdang pagbubukas ng klase.

Nabatid na personal na lumiham si Mayor Abalos sa DepEd upang hilingin na sa halip na Hunyo 9 buksan ang klase ay gawin na lamang itong Hulyo.

Iginiit ni Abalos na ito’y upang maisailalim muna sa quarantine ang mga kabataang estudyante sa mga paaralan sa elementarya at high school partikular na ang mga nagsipagbakasyon sa kanilang mga lalawigan upang masigurong hindi na apektado ng SARS ang mga ito.

Ganito rin ang panukala ng iba pang sektor na palawigin pa ang bakasyon ng mga bata dahil sa killer pneumonia.

Kasabay nito, binigyang diin ni de Jesus na magpapatuloy ang itinakdang pagbubukas ng klase sa Hunyo 9, hanggang walang inirerekomenda ang DOH ukol dito.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABALOS

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

HUNYO

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

MAYOR ABALOS

SECRETARY EDILBERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with