^

Metro

Lolo patay sa chemical attack sa Pasig City

-
Isang 68-anyos na lolo ang iniulat na nasawi bunga ng nalanghap na nakalalasong kemikal na sumingaw sa isang planta sa Pasig City noong Linggo.

Ang nasawing lolo na si Luciano Verjes ay kabilang sa may 300 katao na naospital matapos malanghap ang mabahong amoy na sumingaw sa R.I Chemical Industry na matatagpuan sa Joe Boris St. sa Bagong Ilog ng nabanggit na lungsod.

Ang pagkasawi ng biktima ay kinumpirma ni Barangay Capt. Bing Avis.

Sinabi ni Avis na marami ang naisugod sa pagamutan makaraang makaramdam nang pagkahilo, pagsusuka, pagsakit ng tiyan at paninikip ng paghinga. Ito ay matapos na aksidenteng sumabog at sumingaw bunga ng matinding init ang isa sa mga tangke ng nasabing planta na may lamang vinyl acetate monomer sa loob ng production area.

Kaugnay nito, pinakiusapan naman ng mga local health officers ang mga empleyado ng naturang planta na lumayo ng may 800 metro mula sa idineklarang radius danger zone.

Masusi namang sinisiyasat ng mga local government officers ang reklamo ng mga residente sa lugar na nagtatapon umano ng mapaminsalang kemikal sa ilog ang plantang ito na pansamantalang ipinasara ni Pasig City Mayor Soledad Eusebio. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGONG ILOG

BARANGAY CAPT

BING AVIS

I CHEMICAL INDUSTRY

ISANG

JOE BORIS ST.

JOY CANTOS

LUCIANO VERJES

PASIG CITY

PASIG CITY MAYOR SOLEDAD EUSEBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with