Kasabay nito, binigyan ng 24 oras na taning ni Eusebio ang mga opisyal ng R.I Chemical Industry na matatagpuan sa Bagong Ilog ng nabanggit na lungsod para linisin ang nakakalasong amoy ng kemikal sa nasabing lugar.
Inatasan din ng pamahalaang lungsod ang mga opisyal sa planta na pag-aari ng isang tinukoy sa pangalang Mr. Carlos na maglagay ng safety measures at anti-pollution devices upang maiwasang maulit pa ang pagtagas ng nakalalasong kemikal.
Sinabi ni Eusebio na hindi pahihintulutan na muling mag-operate ang planta hanggat hindi nabibigyan ng kompensasyon ang may 300 residente na naapektuhan sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)