30 bank robbers kumana ng P2-M
April 6, 2003 | 12:00am
Inside job.
Ito ang ilan lamang sa mga anggulong iniimbestigahan ngayon ng pulisya makaraang holdapin ng 30 armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng fatigue at nakasakay sa mga luxury car ang isang bangko at tangayin ang halagang humigit-kumulang sa P2 milyon sa araw na walang pasok kahapon sa Makati City.
Sa sketchy report ng pulisya, pinasok ang Equitable PCI Bank na matatagpuan sa panulukan ng Jupiter St. at Paseo de Roxas sa Barangay Bel-Air ng lungsod ng humigit-kumulang sa 30 armadong kalalakihan dakong alas-12:30 ng tanghali.
Nabatid na pawang sakay sa apat na sasakyan na kinabibilangan ng Starex Van, Expedition, Revo, Toyota at tatlong motorsiklo na pawang walang mga plaka ang mga suspect na nakasuot ng fatigue.
Unang tinutukan ng mga suspect ang dalawang guwardiya na naka-duty at ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa loob ng bangko na nandoon ang ilang empleyado.
Posible umanong natiktikan ng mga suspect ang apat na armored car na nagdala ng pera sa bangko buhat sa koleksyon sa ilang kalapit na establisimento.
Tinatayang aabot sa dalawang milyon ang cash na natangay ng mga suspect.
Huli na nang makaresponde ang mga awtoridad.
Isang anggulo ang binibigyan ng pansin ng mga awtoridad at ito ay ang anggulong inside job ang pangyayari dahil sa mga katanungan na paano umano malalaman ng mga holdaper na bukas ang bangko sa araw ng Sabado at alam din ng mga ito kung saan nakalagay ang baril ng mga guwardiyang nakatalaga sa banko? (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended