Engineer tumalon sa rooftop ng limang palapag na gusali
April 2, 2003 | 12:00am
Isang engineer ang iniulat na nasawi makaraang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon buhat sa rooftop ng limang palapag na gusali sa Makati City, kahapon ng umaga.
Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Makati Medical Center (MMC) ang biktima na nakilalang si Eng. Mario Fabros, 52, construction inspector at naninirahan sa Barangay B.F. Homes, Parañaque City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Jayson David, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-10 kahapon ng umaga sa limang palapag ng Manila Memorial Building na matatagpuan sa Pasong Tamo Ext., Makati City.
Ayon sa ilang saksi, nakita nilang biglang lumagapak ang biktima sa may parking area ng naturang gusali.
Duguan at nangingisay ito nang isugod sa pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay.
Masusing iniimbestigahan ang insidente, gayunman nananatiling tahimik ang pamilya ng nasawi at ayaw magbigay ng anumang komento sa pangyayari. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended