Pedopilyang Hapones arestado

Isang Hapon na pedopilya ang nadakip ng Bureau of Immigration (BI) na nahaharap din sa kasong panggagahasa sa 12-anyos na dalagita ang nakatakdang ipatapon palabas ng bansa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Andrea Domingo ang suspect na si Hidero Nakamura, 52, na kasalukuyang nakapiit ngayon sa PNP Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame.

Si Nakamura ay nadakip sa motel na kanyang tinutuluyan sa Malate, Manila sa pamamagitan ng mission order na ipinalabas ni Domingo para sa kanyang pagkaaresto.

Ayon kay Domingo, inatas nito ang pagdakip kay Nakamura dahil sa kasong panghahalay sa isang 12-anyos na dalagita na ilang ulit niyang ginahasa mula Enero hanggang Marso 16, 2003.

Nabatid na naingganyo ng suspect na dayuhan ang dalagita na sumama sa kanya sa tinutuluyang motel sa pangakong bibigyan siya ng cellphone at P10,000 cash. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments