Ginang nahulihan ng shabu sa ari

Isang 39-anyos na ginang ang dinakip makaraang mahulihan ito ng shabu sa kanyang ari habang dinadalaw ang kanyang live-in partner na nakakulong sa Makati City jail, kahapon ng tanghali.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakilala ang suspect na ginang na si Nemia Jamito.

Binanggit sa report na dakong alas-11:30 ng umaga nang dumalaw si Jamito sa kanyang live-in-partner na si Higimo Patrimonio na sangkot sa kaso ng droga.

Sumailalim ang ginang sa inspeksyon subalit nagduda si JO1 Eva Marie Tenedora sa ikinikilos nito, kaya napilitan itong inspeksiyuning mabuti hanggang sa makuha sa ari nito ang dalawang tea bag na naglalaman ng shabu.

Kaagad na dinakip ang suspect at inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments