P750,000 reward sa killer ni Llamas

Patuloy na tinutugis si Basher Macaindig Abdulrahman, alyas Basher Macaindig Sultan o Basher Makaindig Alonto na sinasabing siyang bumaril at nakapatay kay Ateneo Law School graduate na si Jose Ramon Llamas, 26.

Si Abdulrahman ay may patong sa ulo na P750,000.

Sa anumang impormasyon na magbibigay daan sa pagkakadakip nito ay maaaring tumawag kay NBI Atty. Hector Geologo sa cellphone nos. 0917-814-3479 o sa 524-3283 o sa 528-8231 loc. 3519/3460, NBI Atty. Edmundo Arugay sa cellphone nos. 0917-964-0760.

Magugunitang si Llamas ay binaril at napatay noong nakalipas na Enero 10, dahil lamang sa minor traffic mishap sa may panulukan ng Buendia at Taft Avenues.

Show comments