^

Metro

Megatren 2 na walang driver at teller, aarangkada na

-
Nakatakda nang umarangkada sa Metro Manila ang modernong Megatren 2 ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na bukod sa walang driver ay wala ring mga teller.

Ito ang nabatid kay LRTA Administrator Teddy Cruz kaugnay ng napipintong pagbubukas ng Phase 1 ng Megatren 2 sa darating na Abril 1 ng taong ito kung saan ay magkakaroon ng libreng sakay para sa mga commuters sa unang araw ng pagbubukas ng proyekto.

Napag-alaman na tinularan nila ang tren ng Korea na walang driver at tanging supervisor lamang umano ang siyang nangangasiwa, samantalang sa umpisa lamang magkakaroon ng teller para mag-asista sa simula sa mga pasahero pero hindi magtatagal ay aalisin na rin ito. Bibili na lamang ng tiket ang mga pasahero sa bending machine tulad naman ng tren sa Europa.

Paaandarin ang tren ng kuryente gamit ang solid waste propulsion technology at tatakbo sa bilis na 80 kilometro bawat oras kung saan tuluy-tuloy na ang operasyon nito ang biyahe mula Santolan, Pasig City patungong Doroteo Jose at tatagal lamang ng 30 minuto.

Ito ay modernong tren na mayroong 1,500 volts DC powered electric motors na kayang tumakbo sa bilis na mahigit 40 kilometro hanggang 80 kilometro bawat oras. Higit itong malaki kumpara sa LRT 1 at Metro Rail Transit (MRT). (Ulat ni Joy Cantos)

ABRIL

ADMINISTRATOR TEDDY CRUZ

DOROTEO JOSE

JOY CANTOS

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MEGATREN

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with